Skip to main content

Posts

Featured

CIEN

Nakita ko kung paano namatay ang isang bata sa bahay na tinawag niyang kanlungan. Naalala ko pa rin ang kanyang mukhang nakikiusap at naghihinagpis. Ang kanyang munting mga kamay na nakatali sa kadiliman. Ang kanyang mga mata hindi huminto sa pagluha. Bakas sa kanyang katawan ang mga lamat at sugat na hindi mapapawi ng anumang gamot. Ang kanyang dugo na animo’y ginawang pintura sa sahig. Ang kanyang bibig na binusalan ng panyo nakikiusap na inhinto ng sinumang jablo ang nagpapahirap  dito. Sa araw na muntik niya na din akong patayin, nagawa ko kayang sumaklolo. Naalala ko pa rin ang mga panahong nakikipagpatintero lang ang batang paslit sa mga motorsiklo sa kanto. Kung paano niya inakyat ang puno ng siniguelas at ginaya ang mga ibong dumadapo rito. Palagi siyang nagtatago sa antigong aparador ng kanyang lola’t lolo hindi alintana ang alikabok at mga gagambang naninirahan. Mukha siyang isang anghel sa langit, isang batang paslit na nangarap din na sa pagsapit lagi ng pasko, may mg...

Latest Posts